

Isang napakagandang prinsesa ang namumuno noon sa isang kaharian sa Lanao. Mahal siya ng kaniyang nasasakupan dahil sa kaniyang kabutihan at matalinong pamamahala.
























Dahil sa mabuting pamamalakad ng prinsesa ay nagkaisa ang mga kalalakihan na puspusang magtrabaho upang magkaroon ng masaganang ani ang kaharian.















Ang mga kababaihan naman ay nagkaisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang tahanan at paligid. Ang mga kabataan naman ay nangakong mag-aaral nang mabuti. Sa kanilang murang edad ay natatalos na nila ang mga dapat gawin upang matuloy ang pag-unlad at kaayusan ng kaharian.









Tinupad ng mga tauhan ng prinsesa ang kanilang pangako na sirain ang kanilang sabungan at mga pasugalan. Naging abala na ang lahat sa pagtatanim at pagpapaganda ng kaharian.





Tuwang-tuwa ang prinsesa sa kaniyang namasdan. Makalipas ang maraming taon, lalong rumangya ang kaharian.

Dahil sa kagandahan at kabaitan ng prinsesa ay marami ang kalalakihang nagkakagusto sa kaniya. Ngunit ito ang sinabi ng prinsesa "kung iibigin ko ang isa sa inyo, magdaramdam at magagalit ang iba, at maaaring magkaroon ng digmaan. Mas mabuti pang manatili na lang na isang dalaga upang mapangalagaan ko ang mga mamamayan sa aking kaharian."


Ngunit hindi nasiyahan ang mainggiting pinsan ng prinsesa sa maunlad na pamamalakad niya at ibig nitong makuha ang palasyo at kapangyarihan ng mabait na prinsesa. Kaya binalak niya ang isang masamang pakana. Ang isa sa mga manliligaw ng prinsesa ay iniirog ng kaniyang pinsan at nagpasya ang pinsan niya na linlangin ito. Kaya, inutusan niya ang prinsipe na lusubin ang palasyo at paslangin lahat ng manliligaw ng prinsesa, at paslangin ang mga guwardiya ng kaharian dahil iyon lamang daw ang paraan upang mapasakanya ang prinsesa.









Naniwala naman ang prinsesa kaya tinipon niya ang kaniyang mga kawal at sama-sama silang nagsadya sa kaharian ng prinsesa.








- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors


Isang napakagandang prinsesa ang namumuno noon sa isang kaharian sa Lanao. Mahal siya ng kaniyang nasasakupan dahil sa kaniyang kabutihan at matalinong pamamahala.
























Dahil sa mabuting pamamalakad ng prinsesa ay nagkaisa ang mga kalalakihan na puspusang magtrabaho upang magkaroon ng masaganang ani ang kaharian.















Ang mga kababaihan naman ay nagkaisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang tahanan at paligid. Ang mga kabataan naman ay nangakong mag-aaral nang mabuti. Sa kanilang murang edad ay natatalos na nila ang mga dapat gawin upang matuloy ang pag-unlad at kaayusan ng kaharian.
- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE(2)
-
COMMENT(1)
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) - DOWNLOAD
- LIKE (2)
- COMMENT (1)
- SHARE
- SAVE
- REMIX
- Report
-
BUY
-
LIKE(2)
-
COMMENT(1)
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem
COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!