Si Ana ay isang biyuda na may dalawang anak. Siya ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia bilang isang domestic helper. Dalawa ang kanyang anak, ang panganay ay si Gemma na 13 taong gulang at ang bunso ay si Joel apat na taong gulang. Masakit sa kalooban ni Ana na mawalay sa kanyang mga anak subalit wala siyang magawa dahil sa kahirapan.
"PANGARAL"
Inihabilin ni Ana ang kanyang mga anak sa kanyang kapatid na dalaga na si Malou. Ilang beses ng ipinaliwanag ni Ana kay Gemma ang kanilang kalagayan ngunit hindi ito maunawaan ng kanyang anak. Ang iniisip lamang ni Ana ay mabigyan ng maayos na buhay at matustusan ang kanilang pag-aaral. Ang tanging hiling lamang ni Ana sa kanyang panganay na anak ay mag-aral siya ng mabuti at makinig sa pangaral ng kanilang Tiya Malou.
Itinuring ni Tiya Malou na parang sariling anak sila Gemma at Joel kaya busog sila sa pagmamahal at pangaral. Subalit sa kabila ng pagmamahal na ipinadarama ni Tiya Malou kay Gemma ay nagawa pa din niyang magrebelde sa kanyang ina at tiyahin. Hindi siya nag-aaral ng mabuti at nakikibarkada sa mga kabataan na gumagawa ng masasamang gawain tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pagnanakaw. Naging palasagot siya sa kanyang tiyahin at sinusuway ang mga bilin nito. Madalas din niyang sumbatan at balewalain ang kanyang ina.
- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors

- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) - DOWNLOAD
- LIKE
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem
COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!