Para sa sarili at buhay.

TUNGKOL SA MAY AKDA

Si Keizzer Dane Ignacio ay mag-aaral ng Agham Panlipunan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Isang hobbyist, manunulat (batay sa hilig at di sa propesyon o tungkulin), at manunugtog.
Hindi dumadali ang buhay sa akin, habang tumatatagal lubos kong napapansin at nauunawaan ang katotohanan ng sistema ng buhay. Matindi ang pagnanais ng taong mabuhay araw araw, kung kaya matindi rin ang pagsusumikap nito upang masustentuhan ang pangangailangan ng pisikal na pangangatawan, pag iisip, at damdamin.
Bunsod ng matagal na pagkakapisan sa tahanan, napakarami kong oras upang sumisid sa mga episodyo nang pagtatanto patungkol sa buhay at katagumpayan ng tao sa mapait at maramot na sistemang pang ekonomiya. Sumisilampot sa aking isipan kung ang tao nga ba ay kapos sa pangangarap, kapos sa paniniwala, o kapos sa sipag kung kayat naghihirap.
Nakita ko kung paano ang mga tingi tinging nagtitinda ay umasenso, ngunit nakita ko rin ang pananatili sa kahirapan ng mga taong sadya naman ang sipag. Nakita ko kung paano nakamit ng kabataan ang tagumpay niyang inaasam kahit ito'y di niya inaasahan, ngunit nakita ko rin kung paano nadupilas ang puso ng kabataang nangarap ng lubha't nagpagal ngunit sa dulo ay kabiguan ang nakamtan.
Tanong ko sa aking sarili ay bakit. Marahil ba ay pinahirap ng mga taong nauna sa tagumpay ang laro para sa mga mahihirap at naguumpisa palamang mangarap? O sa bansa natin ba talaga ay sobrang nipis ng tendensiyang umunlad? Nasa isip lang ba ito ng tao, o nasa lamat ito ng struktura ng lipunan?
Gayunpaman, di natatapos ang lahat sa sagarang pag-isiip lamang. Hangad ko pa ang lubusang pagkalublob sa mga sirkumstansyang umiinog sa buhay ng tao, at makita kung paano ang mga ito ay nagkakalakip lakip upang ihain ang magiging resulta ng ano mang gawing may kamalayan ng tao.
Marahil ito ay maaari ring sipatin sa lente ng Conflict Theory. Ang lipunan ay nasa estado ng walang hanggang basangal dahil sa kumpetisyon para sa limitadong mapagkukunan. Dito rin makikita na ang kaayusang panlipunan ay pinananatili ng pangingibabaw at kapangyarihan, sa halip ng pagsang-ayon at pagsunod.
- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors
Para sa sarili at buhay.

TUNGKOL SA MAY AKDA

Si Keizzer Dane Ignacio ay mag-aaral ng Agham Panlipunan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Isang hobbyist, manunulat (batay sa hilig at di sa propesyon o tungkulin), at manunugtog.
Hindi dumadali ang buhay sa akin, habang tumatatagal lubos kong napapansin at nauunawaan ang katotohanan ng sistema ng buhay. Matindi ang pagnanais ng taong mabuhay araw araw, kung kaya matindi rin ang pagsusumikap nito upang masustentuhan ang pangangailangan ng pisikal na pangangatawan, pag iisip, at damdamin.
- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE(1)
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) - DOWNLOAD
- LIKE (1)
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE(1)
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem
COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!