
Hey, Kumusta na! Ako ulit ito si Rouie. Sobrang init rin ba sa inyo? Grabe, sa amin, ang tindi ng init. Nasa loob ako ng kwarto ngayon at naliligo sa sariling pawis.
Maliban pa sa napakainit na panahon, nakakabagot din. Ewan ko ba, nagtataka ako parang hinahanap ng mga kamay ko ang mga school requirements. Di ko maintindihan ang sarili ko para akong baliw kasi kilala ko ang sarili ko na ayaw na ayaw sa mga ganoong bagay, pero isang beses bigla akong napaisip ng mga ganoong bagay. Kaya naman, pinilit ko ang sarili ko na maghanap ng ibang bagay na mapaglilibangan tulad ng panonood ng anime o kaya pagbabasa ng comics. Sinabi ko sa sarili ko na ito ang linggo mo na wala ka munang iintindihin, kaya sulitin mo ang bawat segundo.
Ang buong linggo ko ay hindi naman umikot sa panonood o pagbabasa lamang. Madalas malaking bahagi ng oras ko ay nasasayang sa mga ganitong bagay na ikinagagalit ng mama ko. Kaya naman tumutulong ako sa ilang gawaing bahay minsan. Nagliligpit ng hinigaan, nauutusan ako sa palengke, nagluluto ako ng pagkain, nagtuturo ng aking nga pamangkin. Ilan lamang iyan sa mga gawain na madalas kong ginagawa sa bahay.
Tulad ng nabanggit ko, nagtuturo ako minsan ng mga pamangkin ko para sa kanilang module. Sa akin naka-atas na gabayan at ituro sa kanila ang mga aralin na hindi nila maunawaan. Mahirap ang ganoong sitwasyon na dalawa ko silang tinututukan para matuto sila. May mga pagkakataon na dahil sa dami rin ng inaasikaso ko sa online class, napapabayaan ko na sila kung saan di nila nagagawa ang kanilang mga learning activity sheets. Nahihirapan ako sa pagbalanse ng oras ko para sa sarili at para sa iba.
At dumating na ang ikinakabahala ko. Bunga na hindi ko sila na bigyan ng panahon, hindi natapos ng aking pamangkin ang kanyang mga activity sheets. Tumawag sa akin ang ate ko at naki-usap na kung maaaring ko bang tapusin ang natitirang mga activity sheets ng kanyang anak dahil ang pasahan nito ay malapit na. Sa una, sandaling nakadama ako ng lungkot kasi pakiramdam ko nasa akin ang pagkukulang, na hindi ko napagtuunan ng panahon ang aking pamangkin. Humingi ako ng paumanhin sa aking ate at hindi naman daw niya ako sinisisi kung hindi man daw natapos ito. Sa totoo, ngayon lang ito nangyari dahil sa pagkakaroon niya ng bagong trabaho.
Sa pagkakataong ito, pinag-isipan ko muli ang paki-usap sa akin ni ate. May ilang learning activity sheets pa ang hindi pa nasasagutan at malapit na ang araw ng pasahan. Biglang pumasok sa aking isipan kung tama ba ang gagawin ko. Bilang guro sa hinaharap, naisip ko na malaking kawalan ito para sa bata na matuto at higit pa rito, tila nahihiya ako sa sarili ko na gagawa ko ng isang bagay na labag sa loob ko. Naaawa naman ako sa ate ko dahil sa kagustuhang makapagpasa ang anak niya. Pinag-isipan ko muli ang lahat at pinagmasdang mabuti ang papel sa aking harapan.
Sa huli, ang aking desisyon ay nagtapos sa pagtanggap sa kanyang paki-usap. Tinanggap ko na lang ang alok niya na may pagdadahilan sa sarili na kakaunti lang naman ito. Ako ang tipo ng tao na kapag alam kong mali at pandaraya ito sa iba, talagang tinatanggihan ko, pero iba ang sitwasyon na ito. Tinanggap ko ang alok na tapusin ang isang linggong set ng learning activity at nag-iwan ng payo sa kanyang anak na sa susunod ay bigyan pansin na niya ang kanyang pag-aaral. Agad naman siyang tumango at ngumiti na susundin niya ang aking sinabi.
Sa kabilang banda, bakit ako pumayag na gawin ang pagsagot sa mga learning activity sheets? Unang dahilan ko ay humingi ng tulong ang ate ko na hindi ko naman matanggihan. Alam ko na madalang lang siyang humingi ng tulong kaya naman pinagbigyan ko na. Pangalawa, kakaunti lang naman ang mga learning activity sheets at may oras naman ako para masagutan iyon. Maaari ko namang gamitin ang wellness break para tapusin ang mga activity sheets. At ang huli, gusto ko mabago ang pananaw niya tungkol sa pag-aaral niya.
- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors

Hey, Kumusta na! Ako ulit ito si Rouie. Sobrang init rin ba sa inyo? Grabe, sa amin, ang tindi ng init. Nasa loob ako ng kwarto ngayon at naliligo sa sariling pawis.
Maliban pa sa napakainit na panahon, nakakabagot din. Ewan ko ba, nagtataka ako parang hinahanap ng mga kamay ko ang mga school requirements. Di ko maintindihan ang sarili ko para akong baliw kasi kilala ko ang sarili ko na ayaw na ayaw sa mga ganoong bagay, pero isang beses bigla akong napaisip ng mga ganoong bagay. Kaya naman, pinilit ko ang sarili ko na maghanap ng ibang bagay na mapaglilibangan tulad ng panonood ng anime o kaya pagbabasa ng comics. Sinabi ko sa sarili ko na ito ang linggo mo na wala ka munang iintindihin, kaya sulitin mo ang bawat segundo.
Ang buong linggo ko ay hindi naman umikot sa panonood o pagbabasa lamang. Madalas malaking bahagi ng oras ko ay nasasayang sa mga ganitong bagay na ikinagagalit ng mama ko. Kaya naman tumutulong ako sa ilang gawaing bahay minsan. Nagliligpit ng hinigaan, nauutusan ako sa palengke, nagluluto ako ng pagkain, nagtuturo ng aking nga pamangkin. Ilan lamang iyan sa mga gawain na madalas kong ginagawa sa bahay.
- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) - DOWNLOAD
- LIKE
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem
COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!