
Heya! Magandang araw sa inyo! Si Rouie ulit ito. Isang linggo na naman ang lumipas at ngayon ay nasa ika-anim na linggo na tayo ngayon.
Nitong mga nakalipas na araw, biglang ko na lang naisip na ano nga ba ang plano ko pagkatapos ng graduation ko sa PNU. Alam ko na parang sobrang aga ko mag-isip dahil may isang taon pa bago mangyari iyon. Pero habang ginugunita ko ang mg taon na namalagi ako sa pamantasan, kailan man hindi ko sineseryoso ang lahat nga bagay, maging ang pag-aaral ko dahilan na pagkakaroon ko ng mababang mga marka. Maraming pagkakataon na gumagawa na lang ako ng mga requirements/gawain para lang makapagpasa at hindi ma-INC sa grade. Pakiramdam ko rin na pumapasok at nag-aaral lang ako pero walang mithiin o pangarap sa buhay. Pumasok ako sa kursong ito na walang nakikitang direksyon.
Hanggang isang araw, may nabasa akong kwento na nagbigay inspirasyon sa akin na baguhin ang pananaw ko. Pinakita nito sa akin na huwag ako tumingin palagi sa mga negative side bagkus subukan na magkaroon ng mithiin sa lahat ng bagay at makikita mo ang masaya at magandang bahagi ng buhay. Bigla kong naisip na wala nga talaga akong minimithi para sa sarili ko maliban sa mabigyan ko ang aking pamilya ng magandang buhay. Naisip ko na puro sa pamilya ako nakatutok at wala man lang akong magandang plano para sa sarili ko. Mula rito ay naintindihan ko na kahit minsan magkaroon ako ng pangarap para sa buhay.
Ito na ata ang isa sa pinakamalaking desisyon ko sa buhay. Ito ay ang baguhin ang aking sarili at subukang tuklasin ang magandang bahagi ng tinatahak kong daan. Sa umpisa, nakita ko ang kursong kinuha ko na nakakabagot dahil sa simula pa man ay wala na akong interes sa pagtuturo. Ito ay dala lang na gustong makapagtapos na hindi nagiging pabigat sa magulang ko. Kaya naman pumasok ako sa PNU dahil libre ang matrikula. Noong una, nakita ko na magiging masaya din ako sa umpisa pero habang lumalaon ay nawawala na ang kislap at galak sa mga mata ko. Pero matapos ko mabasa ang kwentong iyon, nagsimula na akong sumali sa club at organization, sinusubukan kong araling mabuti ang lahat at marami pang iba. Ipagpapatuloy ko ang mga ito hindi lang para sa pamilya ko kung hindi pati na rin sa sarili ko.
- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors

Heya! Magandang araw sa inyo! Si Rouie ulit ito. Isang linggo na naman ang lumipas at ngayon ay nasa ika-anim na linggo na tayo ngayon.
Nitong mga nakalipas na araw, biglang ko na lang naisip na ano nga ba ang plano ko pagkatapos ng graduation ko sa PNU. Alam ko na parang sobrang aga ko mag-isip dahil may isang taon pa bago mangyari iyon. Pero habang ginugunita ko ang mg taon na namalagi ako sa pamantasan, kailan man hindi ko sineseryoso ang lahat nga bagay, maging ang pag-aaral ko dahilan na pagkakaroon ko ng mababang mga marka. Maraming pagkakataon na gumagawa na lang ako ng mga requirements/gawain para lang makapagpasa at hindi ma-INC sa grade. Pakiramdam ko rin na pumapasok at nag-aaral lang ako pero walang mithiin o pangarap sa buhay. Pumasok ako sa kursong ito na walang nakikitang direksyon.
Hanggang isang araw, may nabasa akong kwento na nagbigay inspirasyon sa akin na baguhin ang pananaw ko. Pinakita nito sa akin na huwag ako tumingin palagi sa mga negative side bagkus subukan na magkaroon ng mithiin sa lahat ng bagay at makikita mo ang masaya at magandang bahagi ng buhay. Bigla kong naisip na wala nga talaga akong minimithi para sa sarili ko maliban sa mabigyan ko ang aking pamilya ng magandang buhay. Naisip ko na puro sa pamilya ako nakatutok at wala man lang akong magandang plano para sa sarili ko. Mula rito ay naintindihan ko na kahit minsan magkaroon ako ng pangarap para sa buhay.
- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE(1)
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) - DOWNLOAD
- LIKE (1)
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE(1)
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem
COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!