
Kumusta muli. Kumusta naman ang panahon sa inyo ngayon? Dito sa amin napapadalas na ang pag-ulan. Pasensya na pala kung nahuli ako sa pag-update ng aking journal. Nabigla kasi ako sa biglaang Research ng isa naming propesor. Isipin kung noong una pa sinabi edi sana di kami nagagahol sa oras ngayon at dagdag pahirap pa ang magulo niyang mga instructions sa mga gawain. Naku, marami talaga kaming mga ganap pagkatapos talaga ng mid-term break namin at inaaasahan ko na talaga ang mga bagay na iyon. 3
Hindi talaga iyon ang kwento ko, binahagi ko lang ang sa tingin ko ay saloobin ng mga kaklase ko. Ang totoo talaga, bago ang kwento ko kasi hindi na ito tungkol sa school ko. Nitong Martes kasi lumabas ako ng bahay kasi nautusan ako ni mama na pumunta ng palengke. Ang isa sa malaki kong desisyon sa buhay ay naganap sa lugar na ito.
Habang pauwi na ako galing palengke, naisip ko na maglakad na lang ako pauwi dahil una kakaunti lang naman ang binili ko at hindi naman ito gaano kabigat. Pangalawa nanghihinayang ako sa Php 30 na ibabayad ko. May p7 0⁹agkakuripot kasi ako HAHAHA. At ayun na nga, sa aking paglalakad may nasalubong akong isang mag-lola na naglalako ng kakanin. Ika-1 ng hapon ko sila nakita at syempre busog pa ako dahil bago ako umalis sa bahay ay kumain muna ako ng tanghalian.
Nakita ko na tila marami pang tinda ang matanda at wari ko ay pagod na ito sa pagtulak ng karitong kahoy na dala-dala ang kanyang mga panindang kakanin tulad ng biko, suman, kuntsinta, maja at marami pang iba. Noong nakita ko sila natakam ako sa maja, paborito ko kasi ito. Pero sabi ng tiyan ko, di na nya kaya dahil busog pa siya, sarap kasi ng ulam sa bahay. Kaya naman umiwas na lang ako ng tingin at naglakad na parang hindi sila napansin. Sa pagsalubong namin, may narinig ako mahinang tinig na nag-aalok na bumili daw ako ng tinda niya. Pagtingin ko ay nakita ko ang matandang nakangiti sa akin na tila umaasang may mapilili ako sa tinda nya. Pero dahil sa tawag ng tiyan ko, ang nasabi ko lang ay "Sensya na po, busog pa po!"
- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors

Kumusta muli. Kumusta naman ang panahon sa inyo ngayon? Dito sa amin napapadalas na ang pag-ulan. Pasensya na pala kung nahuli ako sa pag-update ng aking journal. Nabigla kasi ako sa biglaang Research ng isa naming propesor. Isipin kung noong una pa sinabi edi sana di kami nagagahol sa oras ngayon at dagdag pahirap pa ang magulo niyang mga instructions sa mga gawain. Naku, marami talaga kaming mga ganap pagkatapos talaga ng mid-term break namin at inaaasahan ko na talaga ang mga bagay na iyon. 3
Hindi talaga iyon ang kwento ko, binahagi ko lang ang sa tingin ko ay saloobin ng mga kaklase ko. Ang totoo talaga, bago ang kwento ko kasi hindi na ito tungkol sa school ko. Nitong Martes kasi lumabas ako ng bahay kasi nautusan ako ni mama na pumunta ng palengke. Ang isa sa malaki kong desisyon sa buhay ay naganap sa lugar na ito.
- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE(1)
-
COMMENT(1)
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) - DOWNLOAD
- LIKE (1)
- COMMENT (1)
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE(1)
-
COMMENT(1)
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem
COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!