
Uyy, ¿Como esta? Masaya ako na nakaabot ka sa huling bahagi ng kwento ng paglalakbay ko para sa terminong ito. Nito ko lang nabalitaan na ito na raw ata ang huling ulat namin para sa weekly journal namin, nakakalungkot naman. Gayunpaman, gusto ko maging espesyal ang bahaging ito para sa inyo dahil nakaabot ako at kayo sa mga huling linggo ng asignatura.
Sa totoo lang kinakabahan ako nitong mga nakalipas na araw. Sa darating na Biyernes na kasi ng demo-teaching namin para sa isa naming subject. Naghahalo ang saya at kaba pero di pa rin nawawala na mag-alala sa maaaring ikahinatnan ng aming Pakitang-Turo lalo na alam ko sa sarili ko na maraming beses na ako pumapalpak sa mga presentasyon at pagtuturo ko sa mga nakalipas na taon ko sa PNU. Gusto kong matanggal ang mga kahinaan ko at magbago at humusay pa.
Habang naiisip ko ang mga bagay na iyon, sumasagi muli sa isip ko kung paano nagsimula ang pakikipagsapalaran ko sa Pamatasan Normal ng Pilipinas, bakit ko pinili ang larangan ng pagtuturo. Noon pa man, mataas na ang pagtingin ko sa mga guro dahil sa pagpupursigi at pagmamahal sa pagtuturo. Noong nasa mababang paaralan pa lamang ako, nangarap rin akong maging katulad nila, pero siyempre alam naman natin na karaniwan na sa mga bata na ang pangarap nila noon ay nagbabago habang sila ay lumalaki na naranasan ko rin. Lumipas ang taon, nawala na ang pangarap ko na iyon, napalitan ito ng ibang propesyon.
Grade 9 nang muli kong makita ang sarili ko na maging guro. Lumabas kasi iyon sa NCAE result form ko. Alam ko na bata pa ako noon ay pangarap ko na iyon, pero sa pagkakataong nakita ko ang resulta na iyon walang saya akong naramdaman. Baka dahil alam ko sa sarili ko na ibang propesyon ang gusto ko. Gayunpaman, inisip ko na lang na isang papel lang naman iyon at sa huli ako pa rin ang may hawak sa tadhana ko. Kaya naman sa pagpasok ko sa Senior High, sinubukang kong piliin ang strand na sa tingin ko aakma sa gusto kong larangan pero sa kasawiang-palad wala silang ganoong strand. Kaya naman, nauwi na lamang ako sa HumSS na unti-unti rin akong napamahal.
- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors

Uyy, ¿Como esta? Masaya ako na nakaabot ka sa huling bahagi ng kwento ng paglalakbay ko para sa terminong ito. Nito ko lang nabalitaan na ito na raw ata ang huling ulat namin para sa weekly journal namin, nakakalungkot naman. Gayunpaman, gusto ko maging espesyal ang bahaging ito para sa inyo dahil nakaabot ako at kayo sa mga huling linggo ng asignatura.
Sa totoo lang kinakabahan ako nitong mga nakalipas na araw. Sa darating na Biyernes na kasi ng demo-teaching namin para sa isa naming subject. Naghahalo ang saya at kaba pero di pa rin nawawala na mag-alala sa maaaring ikahinatnan ng aming Pakitang-Turo lalo na alam ko sa sarili ko na maraming beses na ako pumapalpak sa mga presentasyon at pagtuturo ko sa mga nakalipas na taon ko sa PNU. Gusto kong matanggal ang mga kahinaan ko at magbago at humusay pa.
- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) - DOWNLOAD
- LIKE
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem
COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!